Saturday, February 28, 2015

Ang kababaihan noon at Ang kababaihan ngayon


Ang pagkaiba ng kababaihan noon at ang kababaihan ngayon

Ano nga ba ang na obserbahan nyo sa mga kababaihan noon at kababaihan ngayon?
Ang dalagang pilipina noon at dalagang pilipina ngayon.Gaano ngaba kalaki ang pagkakaiba? May pagkakaiba nga ba? Kapag narinig natin ang katagang 'dalagang pilipina' ano nga ba ang pumapasok sa isipan natin? Mahinhin? Ito nga ba talaga ang dalagang pilipina? Noong unang panahon ang dalagang pilipina ay likas na mayumi,mahinhin,iginagalang at marunong gumalang at higit sa lahat hindi babastusin.Sa usaping ito si Maria Clara ang pinakamagandang halimbawa bilang siya ang naging symbolismo ng dalagang pilipina noong panahon ng kastila ,madalas na siya ang hinahalimbawa sa eskwalahan ,pinikula atbp.Sa kwento ni Jose Rizal na Noli Me tanghere unang nakilala si Maria Clara bilang kasintahan ni Crisostomo Ibarra.Si Maria Clara na ang boong pangalan ay Maria Clara de los Santos y Alba na anak ni Pia Alba sa paring si Padre Damaso ay mahinhin,mayumi,maganda at mapagmahal.Sa totoong buhay ang babaing pilipina noon ay iginagalang at hindi binabastos.Kaya ang dalagang pilipina noon ay isang imahe ng mabuting babae.Eh ano naman ang dalagang pilipina ngayon? Kamusta naman? Sa aking pagsisiyasat nakapanayam ko ang ilang mga kabataan sa high school.Isa sa kanila ang nagsabing "Ang dalagang pilipina noon ay progresibo.May mataas na tungkulin.Mayaman at iginagalang." Sabihin na nating walang mataas na tungkulin ,hindi mayaman; dalagang pilipina pa rin kaya.Kung ako ang tatanungin oo,dalagang pilipina pa rin sila.Ang sinisimbolo ng mga dalagang pilipina ay tayong mga pilipino ,ang buong pilipinas.Ang mga dalagang pilipina noon ay mabuting mga babae sapagkat marami sa mga kalalakihan noon ay mabuti at gumagalang at hindi marunong mambastos.Dahil sa paggalang nila ay lalong umiigting ang pagiging mayumi at mabuting babae , hindi ito mauudyok na gumawa ng mali.Inaalagaan nila ang mga kababaihan kaya ang mga babae noon ay alaga at mabubuti sapagkat hindi ginagawan ng masamang halimbawa.Ang ibig sabihin lamang nito ay kapag maraming babaeng pilipina mabuti at puno ng moralidad ang isang bansa.Sa panahon ngayon isa pa sa nakaaapekto ay ang globalisasyon;maunlad na teknolihiya.Masyadong bumibilis ang mga pangyayari sa buhay ng mga kababaihan ngayon.Tinext mo lang kayo na.Kinindatan mo lang kayo na.Ganyan ang karamihan sa kababaihan ngayon.Taliwas sa pagiging dalagang pilipina.Ayon pa sa mga ilan sa nakapanayam ko "Pag babaing pilipina marumi  sapagkat ang mga babaeng pilipina noon ay ginagamit ng mga espanyol"Totoo ba ito? Kung ako ang tatanungin hindi.Dahil naman lahat ay ginawan ng ganoon hindi porket ginawan ang isa ginawan ang lahat.Hindi kapalaran ng isa ,kapalaran ng lahat.Kaya walang katotohanan yon.Katwiran lang yon.Yan ang pagkakaiba ng noon sa ngayon masyado ng malaki.Sa aking karanasan pag mahinhin ka palagi kang pinupuna dahil mahinhin ka hindi na raw uso yon eh.Pero para sakin ganito ako at ganito ako.Siguro iba-iba ang pananaw natin naiitintidihan ko yon kaya sana intindihin niyo rin ako, dahil iba-iba ang tao sa sa mundo.at isa lang naman ang gusto kong iparating dito eh ang dalagang pilipina ay mabuting babae. At noong biyernes, ay nagkaroon kami ng isang debate tungkol sa kng saan mas may karapatan nga ba ang babae kaysa sa lalaki o mas pantay-pantay lang nga ba? para sa akin po, sa naobserbahan ko ay mas maraming karapatan ang mga babae ngayon dahil sa kinagagawa ng mga lalaki ngayon na ang iba diyan ay palaging sinaktan ang mga babae gaya ng pambubugbog ng kanilang mga asawa. at ang iba pa nga dyan ay tangkain gasain o rape ang mga babae. at dahil dun, ay mas ginagawa ng maraming karapatan ang mga babae dahil inaabuso tayo ng mga lalake. At isa pa rin, noon ay ang mga babae ay nasa bahay lang palagi, gumagawa ng mga gawaing-bahay. habang ang mga lalaki noon ay nagtatrabaho pra sa pamilya. at ngayon halos pwede na ang mga babae sa mga kahit anong trabaho ngayon gaya ng policewoman, firewoman at iba pa. Tinanong ko yung kaibigan ko na si Marco Macoto, sabi nya na equity lang ang babae at ang lalaki dahil may mga gawain ng mga babae na di kaya ng mga lalake, at may mga gawain ang mga lalaki na hindi kaya ng mga babae o vice versa. Sa natutunan ko ay, Equity lang ang lahat ng mga pangyayari ngayon. 

No comments:

Post a Comment